Monthly Archives: November 2018

Find treasures in simple financial solutions!

Protect Your Family’s Future, Whether You are Around or Not!

Sabi ni Bro. Bo Sanchez
Life insurance is simple.
If the Lord takes you home early,
Your children will not go hungry.

This year, Manila Bankers Life, under new owners, under new management, launched one of the most innovative term life insurance solution in the market today, called MOST 18 or Multiple Option Super Term 18, an 18-year level term insurance plan with Premium Deposit Fund (PDF) rider.

The premium deposit fund is an investment product approved by the Insurance Commission and is guaranteed to have non-negative growth.  It is also withdrawable anytime, including on the first year.

Sa MOST 18, mayroon kang complete flexibility kung kailan ka magbabayad.  Kapag sobra ang iyong bayad, ito ay magiging “deposit” sa PDF.  Pag due na ang premium, iwi-withdraw lang ang pambayad mula sa PDF,

Ang maganda talaga dito ay maari kang magbayad ng mask anong schedule, basta sapat ang PDF pagdating ng due dates.  Ibig sabihin, ang PDF ay kumikita habang hindi ibinabayad sa premium. 

Halimbawa, if you are 30 years old, at may premium ka na ₱5,710 annually for 18 years para sa iyong ₱1m coverage. May one time policy fee din na ₱500.

Ang total na babayaran mo sa 18 taon ay ₱103,280.
Kung ginawa mo na single pay term insurance, kagaya ng sinabi ko, ang sobrang premum ay magpupunta sa premium deposit fund at kikita ng guaranteed non-negative interest every year.

Kung ito ay kikita ng 12% isang taon:
Bayad ka na ₱103,280 sa simula.

  • Ang ₱5,710 ay ibabayad sa premium, at ₱500 sa policy fee:
    ₱103,280 – ₱5,710 – ₱500 = ₱97,070
  • Ang matira na ₱97,070 ay mapupunta sa PDF.
  • Kikita ng 12%, kaya after one year, ang value ay ₱108,718.
  • Sa susunod na taon, babawasan ng ₱5,710, at kikita ng 12%. Bagong value ay ₱115,369.
  • Ituloy tuloy taon taon. Sa dulo ng 18 taon, kung buhay ka ba, ang projected value ay ₱433,844, more than 4 times ng iyong original na  ₱103,280.
  • Kung kunin ka ni Lord, ang death benefit sa pamilya mo ay ₱1,000,000 plus fund value.
  • Sa simula, ang death benefit ay ₱1,000,000 + ₱97,070 o halos 11 times ng iyong ₱103,280.
  • Sa bandang huli, ang death benefit ay ₱1m + ₱433,844  o halos 14 times ng iyong ₱103,280.

Isipin mo na lang:

  • If you die too soon, ang ₱103,280 mo ay mababalik sa family mo ng 11 to 14 times.
  • If you live too long, ang ₱103,280 mo ay mababalik sa iyo ng 4 times.

Siguradong yaman, hindi ba?
Protektado ang pamilya mo if you die too soon, o live too long!
Protektado whether you are around or not!

====
Maaring magtanong ka Coach Bobet sa Facebook sa Ask the Money Coach o magtanong sa chat sa http://m.me/AskTheMoneyCoach

The Wealth Calculator

Kapag may isinukso, may madurukot!
Paano nga ba mag-invest para tayo ay mag-retire ng maginhawa?

Kaya mo bang mag-
Tipid ng ₱ 33 sa araw-araw?
Ipunin mo ito, ₱ 1,000 buwan-buwan , at
Palaguin @12 – 18% taon-taon? Mag-
Saya ka dahil ito ay magiging ₱1,000,000 – ₱2,300,000 makalipas ng 20 taon.

O ₱3.5M – ₱14M sa 30 taon.
O ₱11.8M – ₱85M sa 40 taon!

I-explain po natin ang wealth calculator, kung paano natin ma-illustrate ang
“How to Grow Rich, Slowly but Surely”

Mabalik tayo sa ₱ 33 araw-araw. Ito ay kulang-kulang na ₱ 1,000 buwan-uwan. 

  • Kung ilalagay natin sa alkansiya, o sa ilalim ng unan, o sa aparador o sa poste na kawayan, wala itong kitang interest.  Sa isang taon, ₱ 12,000. Sa limang taon ₱ 60,000. Ituloy-tuloy natin ng 20 taon, ito ay ₱ 240,000.  Sa 40 na taon, ₱ 480,000.
  • Kung ito ay ide-deposito mo sa bangko, siguro ito ay kikita ng 0.25% interest sa isang taon.  Ibawas ang withholding tax na 20% ang effective annual interest nito ay 0.2%. Sa interest na 0.2%, ang bawat deposit ay inaasahang magdo-doble makaraan ng 360 taon!!!  Makaraan ng 5 taon, ito ay magiging ₱ 60,306.  Kung itutuloy natin ng 40 taon, ito ay  magiging ₱499,762.  Sa 40 taon, hindi pa umabot ng ₱20,000 ang tubo!
Wealth Caculator for 0% and 0.2%

Makaraan ng 40 taon, ang kita pa lang ay hindi aabot ng ₱20,000!

    • Kung ilalagay natin sa mga high yield na investment ,kagaya ng equity mutual funds, maari itong kumita ng 12% hanggan 18% na tinatawag ng compounded annual growth rate o CAGR. Ibig sabihin, may taon na mababa o baka negative pa ang growth, may taon na super-taas ang growth.  Pero sa long term, ang parang average ay mag-ma-match sa CAGR.  Sa 12% – 18% na CAGR:
      • makaraan ang 5 taon, ito ay magiging around ₱82,486 – ₱97,658.  Mas malaki pa ang tubo sa 5 taon kaysa kita sa bangko makaraan ng 40 na taon!
      • makaraan ang 15 taon, kalahating milyon na, kulang-kulang ₱504,576.
      • makaraan ang 20 taon, ₱1m – ₱2.3m 
      • makaraan ang 30 taon, ₱3.5m – ₱14.3m
      • makaraan ang 40 taon, ₱11.8m – ₱85.8m.  Aba, pwede na talagang mag-retire!  
Wealth Calculator

Ang iyong ₱33 per day o ₱1,000 per month ay maaaring lumaki ng ₱1m to ₱2.3m sa 20 taon, ₱3.5m to ₱14.3m sa 30 taon, o ₱11.8m to ₱85.8m sa 40 taon!

Ganyan ang power ng disciplined savings at intelligent investing. Kung kaya mas malaki sa ₱33 isang araw, o makahanap ng mas malaking kita na investment vehicle, mas mabilis pa mapapalago ang ating yaman.

Kailangan lang natin ng disiplina, financial literacy, at sapat na panahon, para mag-palago ng pera.


Learn more in this full length (90 minutes) recorded seminar at http://bit.ly/WebinarPlus Coach Bobet and Mary Ann conduct free seminars on Mondays at 2pm and 6pm in Quezon City.
http://bit.ly/seminarqc

Gusto mo ba makawala sa utang?
Gusto mo ba magsimula mag Save?
Gusto mo ba magsimula mag Invest?
Gusto mo ba mag-retire na maaga, na happy, healthy at wealthy?

Kung gusto mo malaman, maaring mag-attend ng live na financial seminar sa:

Para mag-register sa ister for the seminar in

Kung nasa ibang lugar kayo, at may internet connection kayo, maaari kayong mag-attend ng webinar (Internet seminar gamit ang iyong mobile phone, o tablet o laptop)

O kung gusto ninyo manood ng seminar, Now Na! register lang po tayo sa
WebinarPlus

 

 

Kaninong Regalo ang Bibilhin ng 13th month pay mo?

Kaninong Regalo ang Bibilhin ng 13th Month pay mo?

Naririnig mo rin ba?
Sa ganitong panahon ng taon, parang may bumubulong sa akin:

MInsan isang taon lang tayo magkita,
Pero galit na galit ka sa akin
Lagi mo lang ako itinatapon.
Kapalit ng ilang saglit na aliw.
Kaligayahang pansamantala.

Kung mahal mo ako,
Maari mo akong alagaan
Para balang araw, tayo ay magkita
Para sa iyong magandang kinabukasan
Pangmatagalan

Love
Your 13th month pay

Mas mayaman ka ba ngayon kaysa noong isang taon?
Guminhawa ka ba?

Kung hindi, baka dahil hindi ka naghahanda para sa kinabukasan.

Halimbawa, naalala mo ba kung ano ang nangyari sa 13th month pay mo last year? Kung pareho ka ng marami, nawala na lang iyon at naubos sa regalo, handa at lakwatsa na kasabay ng Pasko.

Pero dapat nalaan natin ang malaking bahagi noon para sa kinabukasan.

Nagyong taong ito, kung ikaw ay swelduhan sa Pilipinas, mas malaki ang matatanggap mo ngayong Pasko.

Sa bagong tax law:

  • mas maliit ang income tax
  • mas malaki ang allowed na non-taxable bonus, mula P30k last year at ngayon non-taxable ang hanggag P90,000 na bonus.
  • sa gobyerno, may 14th month pay pa at P5,000 na cash gift.

Maski i-factor mo pa ang 6.7% inflation, mas malaki pa rin ang purchasing power ng mga 13th month at additional bonuses this year!

Saan mo ba dadalhin ang iyong bonus?
Mapupunta na naman ba iyon sa wala?
Paano na ang iyong pamilya?
Paano na ang kinabukasan mo at ng asawa mo?
Paano na si baby?
Paano na ang iyong retirement?
Paano na si Lord?

Ngayong Pasko, gusto mo bang malaman kung paano mo magagamit ang iyong 13th month pay para magsimula bumuo ng magandang kinabukasan?

Gusto mo bang gamitin ang 13th month pay para sa  makabuluhang regalo?

Para kay God ba?
Para sa iyong kalusugan ba?
Para sa iyong pamilya?
Para sa iyong kinabukasan ba?
O pag-aaral ni baby?

Kung gusto mo, abangan mo ang kasunod ng kabanata!
( ibibigay ko sa iyo bukas at sa mga susunod na araw!)

Gusto mo ba ng isang Maligayang Pasko ngayong taon lang o maraming Maligayang Pasko sa kinabukasan? Tanungin mo ko ako sa Ask The Money Coach

Bobet

p.s.
Maaring mag-simula malaman ang secrets to saving and building your future dito sa video na ito.