The Wealth Calculator

Kapag may isinukso, may madurukot!
Paano nga ba mag-invest para tayo ay mag-retire ng maginhawa?

Kaya mo bang mag-
Tipid ng ₱ 33 sa araw-araw?
Ipunin mo ito, ₱ 1,000 buwan-buwan , at
Palaguin @12 – 18% taon-taon? Mag-
Saya ka dahil ito ay magiging ₱1,000,000 – ₱2,300,000 makalipas ng 20 taon.

O ₱3.5M – ₱14M sa 30 taon.
O ₱11.8M – ₱85M sa 40 taon!

I-explain po natin ang wealth calculator, kung paano natin ma-illustrate ang
“How to Grow Rich, Slowly but Surely”

Mabalik tayo sa ₱ 33 araw-araw. Ito ay kulang-kulang na ₱ 1,000 buwan-uwan. 

  • Kung ilalagay natin sa alkansiya, o sa ilalim ng unan, o sa aparador o sa poste na kawayan, wala itong kitang interest.  Sa isang taon, ₱ 12,000. Sa limang taon ₱ 60,000. Ituloy-tuloy natin ng 20 taon, ito ay ₱ 240,000.  Sa 40 na taon, ₱ 480,000.
  • Kung ito ay ide-deposito mo sa bangko, siguro ito ay kikita ng 0.25% interest sa isang taon.  Ibawas ang withholding tax na 20% ang effective annual interest nito ay 0.2%. Sa interest na 0.2%, ang bawat deposit ay inaasahang magdo-doble makaraan ng 360 taon!!!  Makaraan ng 5 taon, ito ay magiging ₱ 60,306.  Kung itutuloy natin ng 40 taon, ito ay  magiging ₱499,762.  Sa 40 taon, hindi pa umabot ng ₱20,000 ang tubo!
Wealth Caculator for 0% and 0.2%

Makaraan ng 40 taon, ang kita pa lang ay hindi aabot ng ₱20,000!

    • Kung ilalagay natin sa mga high yield na investment ,kagaya ng equity mutual funds, maari itong kumita ng 12% hanggan 18% na tinatawag ng compounded annual growth rate o CAGR. Ibig sabihin, may taon na mababa o baka negative pa ang growth, may taon na super-taas ang growth.  Pero sa long term, ang parang average ay mag-ma-match sa CAGR.  Sa 12% – 18% na CAGR:
      • makaraan ang 5 taon, ito ay magiging around ₱82,486 – ₱97,658.  Mas malaki pa ang tubo sa 5 taon kaysa kita sa bangko makaraan ng 40 na taon!
      • makaraan ang 15 taon, kalahating milyon na, kulang-kulang ₱504,576.
      • makaraan ang 20 taon, ₱1m – ₱2.3m 
      • makaraan ang 30 taon, ₱3.5m – ₱14.3m
      • makaraan ang 40 taon, ₱11.8m – ₱85.8m.  Aba, pwede na talagang mag-retire!  
Wealth Calculator

Ang iyong ₱33 per day o ₱1,000 per month ay maaaring lumaki ng ₱1m to ₱2.3m sa 20 taon, ₱3.5m to ₱14.3m sa 30 taon, o ₱11.8m to ₱85.8m sa 40 taon!

Ganyan ang power ng disciplined savings at intelligent investing. Kung kaya mas malaki sa ₱33 isang araw, o makahanap ng mas malaking kita na investment vehicle, mas mabilis pa mapapalago ang ating yaman.

Kailangan lang natin ng disiplina, financial literacy, at sapat na panahon, para mag-palago ng pera.


Learn more in this full length (90 minutes) recorded seminar at http://bit.ly/WebinarPlus Coach Bobet and Mary Ann conduct free seminars on Mondays at 2pm and 6pm in Quezon City.
http://bit.ly/seminarqc

Gusto mo ba makawala sa utang?
Gusto mo ba magsimula mag Save?
Gusto mo ba magsimula mag Invest?
Gusto mo ba mag-retire na maaga, na happy, healthy at wealthy?

Kung gusto mo malaman, maaring mag-attend ng live na financial seminar sa:

Para mag-register sa ister for the seminar in

Kung nasa ibang lugar kayo, at may internet connection kayo, maaari kayong mag-attend ng webinar (Internet seminar gamit ang iyong mobile phone, o tablet o laptop)

O kung gusto ninyo manood ng seminar, Now Na! register lang po tayo sa
WebinarPlus

 

 

1 thought on “The Wealth Calculator

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.