Kaninong Regalo ang Bibilhin ng 13th month pay mo?

Kaninong Regalo ang Bibilhin ng 13th Month pay mo?

Naririnig mo rin ba?
Sa ganitong panahon ng taon, parang may bumubulong sa akin:

MInsan isang taon lang tayo magkita,
Pero galit na galit ka sa akin
Lagi mo lang ako itinatapon.
Kapalit ng ilang saglit na aliw.
Kaligayahang pansamantala.

Kung mahal mo ako,
Maari mo akong alagaan
Para balang araw, tayo ay magkita
Para sa iyong magandang kinabukasan
Pangmatagalan

Love
Your 13th month pay

Mas mayaman ka ba ngayon kaysa noong isang taon?
Guminhawa ka ba?

Kung hindi, baka dahil hindi ka naghahanda para sa kinabukasan.

Halimbawa, naalala mo ba kung ano ang nangyari sa 13th month pay mo last year? Kung pareho ka ng marami, nawala na lang iyon at naubos sa regalo, handa at lakwatsa na kasabay ng Pasko.

Pero dapat nalaan natin ang malaking bahagi noon para sa kinabukasan.

Nagyong taong ito, kung ikaw ay swelduhan sa Pilipinas, mas malaki ang matatanggap mo ngayong Pasko.

Sa bagong tax law:

  • mas maliit ang income tax
  • mas malaki ang allowed na non-taxable bonus, mula P30k last year at ngayon non-taxable ang hanggag P90,000 na bonus.
  • sa gobyerno, may 14th month pay pa at P5,000 na cash gift.

Maski i-factor mo pa ang 6.7% inflation, mas malaki pa rin ang purchasing power ng mga 13th month at additional bonuses this year!

Saan mo ba dadalhin ang iyong bonus?
Mapupunta na naman ba iyon sa wala?
Paano na ang iyong pamilya?
Paano na ang kinabukasan mo at ng asawa mo?
Paano na si baby?
Paano na ang iyong retirement?
Paano na si Lord?

Ngayong Pasko, gusto mo bang malaman kung paano mo magagamit ang iyong 13th month pay para magsimula bumuo ng magandang kinabukasan?

Gusto mo bang gamitin ang 13th month pay para sa  makabuluhang regalo?

Para kay God ba?
Para sa iyong kalusugan ba?
Para sa iyong pamilya?
Para sa iyong kinabukasan ba?
O pag-aaral ni baby?

Kung gusto mo, abangan mo ang kasunod ng kabanata!
( ibibigay ko sa iyo bukas at sa mga susunod na araw!)

Gusto mo ba ng isang Maligayang Pasko ngayong taon lang o maraming Maligayang Pasko sa kinabukasan? Tanungin mo ko ako sa Ask The Money Coach

Bobet

p.s.
Maaring mag-simula malaman ang secrets to saving and building your future dito sa video na ito.

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.